Mahigit 20 patay dahil sa malawakang pagbaha sa India

Patay ang mahigit sa 20 tao habang marami ang nawawala sa malawakang pagbaha sa southern India dulot ng malakas na ulan.

Ayon sa report, maraming bahay ang nasira habang na-trapped ang ilan sa kanilang bahay sa Kottayam district sa Kerala state.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Tumulong na din ang militar sa rescue efforts ng mga otoridad dahil sa ilang insidente ng landslides.

Dahil sa lawak ng pinsala sa mga imprastraktura, gumamit na ng mga helicopters ang mga otoridad para makapagdala ng supplies at mga personnel sa mga lugar kung saan marami ang na-trapped.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Pinaniniwalaan ding marami sa mga residente ang na-trapped sa mga gumuho dahil sa dami ng missing.

Isa sa pinaka-tragic na naitala ang pagkamatay ng isang buong pamilya na kinabibilangan ng anim na tao kabilang ang isang 75 anyos na lola Samantala, gumamit ng fishing boats ang mga otoridad sa paglilikas ng mga survivors sa mga coastal towns