NAGA CITY- Umabot sa 20, 811 sa 123, 646 na mga Pantawid Pamilyang Filipino Program o 4Ps ang naalis na sa listahan ng mga benepisyaryo sa Camarines Sur.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office.
Sa panayam kay DSWD 5 Provincial Link Harry Jay Daet iniisa-isa nito ang mga rason; 114 ang inalis dahil sa disqualification habang 18, 299 ang nasa Code 14 o wala nang nag-aaral na anak na 18-anyos pababa. Sa Code 17 naman o mga mayroong regular na income mayroong 473, may 24 household na may misbehavior o may mga paglabag, 279 naman ang duplicate households o sa isang bahay dalawa ang 4Ps beneficiary at 1, 622 naman ang kaya nang tumayo sa sarili nilang mga paa o umabante na sa buhay.
Sa ngayon naghihintay ng abiso ang DSWD para sa mga posible nang maidagdag sa 4Ps ngayong may nga natapos na at inalis sa programa.