Estudyante ng Bicol University, pumasa sa geodetic engineering licensure examination ngayong Oktubre

LEGAZPI CITY – Labis ang tuwa ngayon ni Jo Ava Belleza, estudyanteng nagtapos sa Bicol University ngayong2022 sa kursong Geodetic Engineering dahil nasuklian ang kanyang naranasan paghihirap nang makapasa ito sa Geodetic Engineering Examination nito ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay Belleza, 99% ng pagdarasal, pag-aaral, time management at tulog ang kanyang mga ginawa upang makamit at maipasa ang nasabing pagsusulit.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Ibinahagi rin nito ang kanyang mga naging karanasan sa pandemya, kung saan nahirapan din maging ang kanyang mga kaklase dahil mas sanay ang mga ito sa face-to-face classes.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Pinasasalamatan din nito ang kanyang magulang sa kanilang suporta hanggang sa ito ay magtapos sa pag-aaral at maging isang ganap na Geodetic Engineer.

Sa ngayon ay plano na rin umano na maghanap na mapapasukang pribadong kompanya sa Metro Manila o ibang lugar.