KORONADAL CITY – UMAABOT sa 2,010,000 na mga tilapia ang namatay makaraang tinamaan ng fish kill o “Kamahong” ang lawa sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato sa loob ng apat na araw.
Ang kamahong nagsimula noong Enero 11, 2023.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Lake Warden Rudy Muyco, umaabot na ang danyos sa P10,049,970 kung saan nasa 143.575 tonelada o 143,575 kilo na tilapia na ang namatay.
Napag-alaman na nasa 1,340 fish cages at 134 operators ang apektado.
Aminado si Muyco na dahil dito magiging limitado ang supply ng tilapia sa merkado.
Itinuturong dahilan ng fish kill sa Lake Sebu ay ang pagbaba ng supply ng oxygen dala ng mga pag-ulan dahil na rin sa nagpapatuloy na sama ng panahon.
