2 dating rebelde, sumuko sa So.Cot

KORONADAL CITY- DALAWANG mga sumukong rebelde ang ipinresenta ng Philippine Army kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kamakailan lamang.

Ang mga ito ay kinilalang sina alyas “Yes” at “Sunder”.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga high-powered firearms.

Ang mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ay isasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP kung saan makakatanggap ang mga ito ng firearms remuneration at livelihood assistance.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang mga ito ay ire-refer din sa Halfway House ng provincial government sa Barangay Tinongcop, Tantangan.

Ang Halfway House ay nagsisilbing temporary shelter at processing center ng mga sumukong rebelde kung saan isasailalim ang mga ito sa rehabilitation at healing session, education at skills training activities upang maihanda sa kanilang pagbabalik sa komunidad.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hinihikayat naman ni Governor Tamayo ang iba pang mga rebelde na nananatili sa kabundukan na magbalik-loob na sa gobyerno upang makatanggap ng mga programa katulad ng free education, free hospitalization at medication mula sa provincial government at maisailalim sa E-CLIP.