DA, iginiit na walang dapat itago kaugnay sa onion situation sa gitna ng Ombudsman probe

Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na walang dapat itago kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas at ang kautusan na umangkat ng naturang commodity.

Ayon kay agriculture deputy spokesperson Rex Estoperez, nagsumite na ang ahensya ng kanilang tugon sa Office of the Ombudsman kaugnay sa kanilang inquiry sa mataas na presyo ng sibuyas.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Mababatid na inatasan ang DA na ipaliwanag ang umano’y shortage sa sibuyas, at ang kautusan na umangkat nito sa kabila na harvest season na naman.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Maliban dito, kinuwestiyon din ang ahensya kaugnay sa kasunduan sa pagitan ng Food Terminal Incorporated (FTI) at Bonena Multipurpose Cooperative, kung saan bumili ang DA ng siobuyas sa P537 bawat kilo, pero ibenenta ito sa Kadiwa stores sa P170 lang kada kilo.

Sinasabing may pondo na P140 million para sa naturang purchase.