Mahigit 2, 500 naturukan na ng COVID-19 vaccine sa Naga city; mga hindi botante maaari pa ring mabakunahan

NAGA CITY- Umabot na sa  2, 560 na mga nasa A1,  A2 at A3 priority ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Naga City.

962 dito ang frontliners, 1, 559 ang senior citizen at 39 sa mga ito ay may comorbidities. 320 rito ang naturukan noong Martes  base sa data na ibinahagi ni City Health Officer Dr. Butch Borja.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Dagdag nito ngayong nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga senior citizen kailangan din nilang sundin ang schedule na ibinigay upang masunod ang social distancing at iba pang patarakaran sa mega vaccination facility.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Samantala, ayon sa Department of Health ang dapat na mabakunahan ay 70% ng total population hindi ng voting population. Kung kaya ayon kay Mayor Nelson Legacion ang mga residenteng hindi rehistrado bilang mga botante ay maaari pa ring makasama sa makatatanggap. Kailangan lamang aniyang patunay o proof of residency.