Mahigit 1k na paaralan sa Bicol, handa na sa pagbubukas ng limited face-to-face classes- DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot sa 1,029 na pampubliko at pribadong paaralan ang handa nang magpatupad ng kanilang limited face-to-face classes sa Rehiyon Bicol.

Ito ang kinumpirma ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na sa buwan ng Marso sa taong 2022 ay simula na ng kanilang limited face to face classes.

Sa katatapos lamang ng Regional Management Committee Meeting noong Pebrero 24, mayroon nang 986 na pampublikong paaralan at 43 pribadong paaralan ang pinapayagang sumali sa progresibong pagpapalawak ng limited face to face classes sa nasabing rehiyon.

Dagdag pa nito ang mga nabanggit na bilang na mga paaralan na sasailalim sa face to face classes ay kailangan pumasa sa mga pamantayan ng School Safety Assessment Tool (SSAT).

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Paglilinaw ng opisyal, ang lahat ng expansion school ay pumasa sa SSAT at nakasunod sa Interim Guidelines on the Expansion of Limited Face-to-Face Classes na itinakda ng DepEd Central Office.

Batay sa pinakahuling datos, ang Schools Division Office (SDO) ng Camarines Sur ang may pinakamalaking bilang ng mga kalahok na paaralan para sa pagpapalawak na may kabuuang 366 na paaralan; sinundan ng SDO Camarines Norte na may 258 paaralan, SDO Masbate Province na may 156 na paaralan, SDO Catanduanes na may 87 paaralan, SDO Sorsogon Province na may 44 na paaralan, SDO Sorsogon City na may 39 na paaralan, SDO Ligao City na may 15 paaralan, SDO Masbate City na may 11 paaralan, Albay na may 4 na paaralan, at Naga City na may 3 paaralan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, inaprubahan na rin ng DepEd Bicol ang mga kahilingan mula sa iba’t ibang pribadong paaralan sa rehiyon na gamitin at ipatupad ang limited face-to-face modality.

May kabuuang bilang na 43 pribadong paaralan ang binigyan ng permiso para sa nasabing iskema na binubuo ng 18 paaralan mula sa Camarines Norte, 8 paaralan mula sa Sorsogon City, 7 paaralan sa Camarines Sur, 7 paaralan sa Catanduanes, 3 paaralan mula sa Masbate, 2 mula sa Ligao City, at 1 mula sa Masbate City at Naga City.