Mahigit 1K CDW Sa Batangas, tinipon ng Pamahalaang Panlalawigan

Batangas City – Tinipon ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang nasa mahigit isangdaang Child Development Worker mula sa iba’t-ibang lugar sa Batangas, bilang pagbibigay pugay sa kanilang serbisyo.

Ginanap ito noong June 27, 2024 sa FPJ Arena ng San Jose, Batangas at may temang “Building Bridge, Changing Lives: Honoring the Compassion and Commitment of Child Development Workers”

Nakatanggap din ng Loyalty Service Award ang nasa 141 mga CDW’s na mahigit 25-30 taon nang nagseserbisyo sa para sa publiko.

Binigyang parangal din ang mga Child Development Centers na nakapasa sa External Assessment ng Early Childhood Care and Development ng pamahalaang panlalawigan.

Kasabay rin sa pagdiriwang, nagkaroon ng maikling talakayan patungkol sa mental health na pinangunahan ni Ginang Hannah Ericka Andal na mula sa University of Batangas.