BCWD Prime Water, nagsagawa ng groundbreaking para sa karagdagang suplay ng tubig sa Batangas City

Batangas City – Nagsagawa ang Batangas City Water District (BCWD) Prime Water (PW) ng groundbreaking activity sa barangay Alangilan, Batangas City.

Ang nasabing proyekto ang siyang magbibigay ng sapat na suplay ng tubig sa humigit kumulang 30,000 kabahayan sa Brgy. Sta. Rita Karsada at iba pang kalapit na barangay.

Ayon kay PW Branch Manager, Mellograce Senosin-Balote, makapagbibigay ito ng 30 liters per second na dami ng tubig na sasapat sa mga residente.

Tinatayang tatagal ang konstraksyon nito sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.

Samantala, nakatakda rin aniyang isagawa ang pipe-laying at ang pagpapalit ng mga lumang linya sa may Brgy. Bolbok para sa mas maaayos na suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *