Mahigit 1k Bicolano, sumailalim sa PNP Academy Test kahapon

LEGAZPI CITY – Umabot sa kabuuang bilang na 1,264 Bicolano ang sumailalim sa Philippine National Police Academy Test sa Bicol University College of Science, Legazpi City at Naga College Foundation, Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay CDT 1CL Joyce Realuyo, sinabi nito, ang makakapasa sa pagsusulit ay sasailalim pa rin sa proseso upang makapasok sa loob ng academy, kung saan kinakailangan pa rin nilang maipasa ang ilan sa mga requirements tulad neuro exam, physical fit, panel interview at iba pa.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon pa kay Realuyo, nasa 13 Bicolano sa PNPA ang inaasahang magtatapos sa taon 2025.

Maliban sa mga requirements, kailangan din na malinis ang kanilang data records, nangangahulugan, hindi sangkot sa mga krimen upang tuluyang makapasok sa Academy ng PNP.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon naman kay CDT 3CL Marc Lester Pedrogosa, isa sa mga kanyang natutunan sa loob ng PNPA ay ang highest standard discipline at mga itinuro ng kanyang upper class, tactical officer at iba pa.

Binigyan diin nito, walang mahirap na training o academy sa isang cadete ngunit mas masarap namang matamasa ang tagumpay kapag naranasan o malampasan ang lahat ng paghihirap sa loob ng training.