Mahigit 16 libong bata sa Camarines Norte nananatiling walang bakuna kontra Measles at Rubella sa kabila ng pagpapalawig ng DOH sa MR OPV SIA 2023

Umaabot pa sa 16, 793 na mga bata sa lalawigan ng Camarines Norte ang nananatiling “unvaccinated” o walang bakuna sa kabila ng dalawang linggong extension ng Measles Rubella Oral Polio Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023.

Batay sa datos ng Department of Health Provincial Office pinakamarami ang unvaccinated sa Labo na may 2, 805 at Daet na may 2, 480 as of June 15, 7 am.

Ang pito namang mga bayan ay mahigit pang isang libo ang unvaccinated maliban sa maliliit tulad ng Talisay na may 784, San Lorenzo Ruiz 532 at San Vicente na may 365.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola sinabi nitong bigo pa ring maabot ng lalawigan ang target na bilang ng babakunahan.

Nakapagtala ang lalawigan ng 74. 26 % na over- all accomplishment sa Measles at Rubella habang 26. 31 % naman sa Oral Polio.

Ani Iraola, gusto sana ng DOH na mas marami ang mga batang mabakunahan para sa kanilang proteksyon.

Kahapon ay nagtapos na ang dalawang linggong extension na ibinigay ng DOH para sa MR OPV SIA 2023 na ang orihinal na petsa ay sa buong buwan lang ng Mayo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa kabila nito, nilinaw ni Iraola na kahit tapos na ang MR OPV SIA ay tuloy- tuloy pa rin ang pagbabakuna at libre ito sa mga Rural Health Unit.

Sa pagkakataon ding umanong ito ay hindi lang ang Covid- 19 vaccination ang pagtutuunan ng pansin kundi ang mga regular na immunization program.

Sa loob kasi ng mahigit dalawang taon ay nakatuon ang pansin ng ahensiya sa Covid- 19 vaccination.