CAMARINES NORTE- Umaabot sa 21, 145 na estudyante sa lalawigan ng Camarines Norte ang nag- enroll sa isang buwang early registration na sinimulan ng Deparment of Education noong May 10 hanggang June 9 ng taong kasalukuyan.
Mas mababa ito kumpara sa 24, 464 na nag- enroll sa early registration noong nakaraang School Year.
Batay sa datos ng DepEd nasa 4, 838 ang nagpatala sa Kinder habang 8, 278 naman sa Grade 1.
Nasa 4, 055 naman ang total enrolment sa Grade 7 at 3, 974 sa Grade 11.
Ang early registration ay para sa incoming kindergarten, Grades 1, 7 at 11 learners sa public schools sa buong bansa para sa susunod na academic year.
Ikinukunsidera nang pre-registered ang incoming Grades 2, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 10 at 12 learners mula sa public schools.
Ayon sa DepEd mahalaga na magpre-register o makilahok ng enrollees sa kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa early registration para makapaghanda ang ahensya ng mga plano para sa School Year 2023-2024.
