Nanakawan at naholdap ang dalawang cashier ng 7 Eleven Convenience store sa Barangay Manghinao Proper, Bauan, Batangas noong Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station (MPS), banda 11:30 ng gabi ng ika-17 ng Abril habang naka-duty ang mga hindi na pinangalanang biktima nang pumasok sa naturang convenience store ang hindi pa nakikilalang suspek na nagkunwaring customer.
Bigla na lamang nito nilapitan ang dalawang biktima at tinutukan ng baril sabay deklara ng hold-up.
Natangay ng suspek ang perang nagkakahalaga ng Php 7,000 at kumuha pa ng dalawang bote ng alak bago umalis.
Tinutugis na ng Bauan MPS ang nakatakas na suspek kasabay sa ginagawang imbestigasyon.