Mahigit 11, 800 na mga guro na nagsilbi sa halalan sa Camarines Sur nakatanggap na ng kanilang honorarium

CAMARINES SUR- Umabot na sa 11, 860 sa 17, 471 na mga guro na nagsilbi sa halalan ang nakatanggap na ng kanilang honorarium.

Ito ay ayon sa Commission on Elections (COMELEC)- Camarines Sur. Ayon kay Renne  Ranches, Spokesperson ng COMELEC sa lalawigan target nila na matapos ang distribusyon sa Nov. 8, 2023, sa ngayon aniya nasa 68.88% na sila.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

May mga bayan na malapit nang matapos o tapos na tulad ng Tinambac. Ayon kay COMELEC Officer Kirk Thomas Tate, sinikap nila na bago an Undas ay naibigay na ang benepisyo bilang pagpapasalamat sa mga nagsili sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala , pinaalalahanan din nito ang mga kumandidato na magsimute na ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).