COA, pinuna ang pagpapagawa ng P6.58B infinity pool sa La Union Training Center

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Ports Authority (PPA) sa “unnecessary” na konstruksyon ng isang infinity pool na nagkakahalaga ng P6.58 milyon sa loob ng La Union training center compound (TCC).

Nakasaad sa 2020 audit report na ang nasabing infinity pool project ay nagkakahalaga ng kabuuang P10.84 million. Kasama sa halaga na ito ang pagpapagawa ng P3.43 million para sa guest room, P400,432.15 para sa pergola, at 419,912.75 para sa decorative rock wall.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon sa COA, nilinaw na ng PPA na ang mga konstruksyong ito ay upang kumita ng mas malaki ang establisyimento at mas dagsain pa ito ng tao.

Naiintindihan naman umano ito ng mga auditors na ang pagpapagawa ng infinity pool, pergola, at rock wall ay para sa turismo, pero unnecessary umano ito lalo’t hindi naman saklaw ng PPA ang turismo pati ang pagpapagawa ng dagdag na guest room gayong napakaraming namang kwarto sa loob ng TCC.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Nanindigan naman ang PPA na kailangan ang pool para sa training ng mga PPA personnel.

Wala rin umanong irregularidad na nangyari at walang nasayang na pondo ang kanilang opisina.