Mahigit 1,000 benepisyaryo sa Albay, natulungan ng DSWD Bicol para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation noong Sabado

LEGAZPI CITY – Aabot sa isanlibo’t siyam na mga benepisyaro mula sa lalawigan ng Albay ang natulugan ng Department of Social Welfare ans Development (DSWD) Bicol sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong Sabado.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng nasabing ahensiya, umabot sa mahigit tatlong milyong pisong halaga ang naipamahagi sa mga benepisyaro sa lalawigan.

Sa parehong datos, umabot din sa mahigit isang libong mga benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing tulong-pinansiyal sa lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, at Sorsogon, habang mahigit apat na raan naman ang mula sa Catanduanes at Masbate.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa kabuuang bilang, mahigit limanlibo na ang mga natulungan ng programa mula sa DSWD sa buong rehiyon ng Bicol noong Sabado.