Mahigit 100 trabaho at oportunidad, bubuksan ngayong araw sa isasagawang ‘job and business fair’ sa Virac, Catanduanes

BNFM BICOL—Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Lunes, May 23, 2022 ang “Trabaho Negosyo at Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair” sa bayan ng Virac, Catanduanes.

Tampok sa nasabing Job Fair ang nasa 100 mga trabaho at oportunidad,  mapa lokal o maging sa abroad dahil na rin sa pakikiisa ng mga local employers sa probinsya gaya ng ARDCI Microfinance Inc., Extendedline Credit Corporation, CENTRO Department Store, Motortrade Topline Inc.at iba pa,  habang makikiisa rin ang isang Overseas employer na naghahanap ng mga skilled workers na nais mag trabaho sa Qatar.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang TNK Job and Business Fair ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na 6th Abaca Festival sa islang lalawigan na pangungunahan ng DOLE at PESO Office ng Provincial Government Unit.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Paalala ng DOLE sa mga nais maghanap ng trabaho mangyaring magdala lamang ng updated resume at iba pang supporting documents at magtungo sa Catanduanes State University Gymnasium na nagbukas kaninang alas 9:00 ng umaga.###