Aabot sa 114 na mga sasakyan ang naisyuhan ng ticket ng PNP Highway Patrol Group sa isinagawang One Time Big Time Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kahapon.
Karamihan sa mga naitalang violation ng mga motorista ay ang paglabag sa seatbelt law, walang plaka at helmet.
Pero karamihan naman sa mga inisyu ay mga Traffic Citation Tickets (TCT) lang at ilan lang ang mga naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit.
Nasa 26 namang behikulo ang na- impound na kinabibilangan ng 25 motorsiklo at isang 4- wheel vehicle.
Ito na ang ika 32 Oplan Lambat Bitag sasakyan na ginawa ng HPG katuwang ang Local Police at LGU enforcers mula lang ipatupad ito noong huling bahagi ng 2020.
Nauna nang sinabi ng HPG na ang pinaka target talaga ng operasyon ay ma- rekober ang mga nakaw na sasakyan at maibalik ito sa may ari.
Bukod dito, mahigpit ring ipinapatupad ang health protocols hindi lang sa loob ng saksakyan at kalsada kundi maging sa mga terminal dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID- 19.


