Bitoy, proud sa kaniyang anak na si Brianna Bunagan

Ikinatuwa ng komedyante at gag show creative director na si Michael V. na gumagawa na ng sariling path ang anak niya na si Brianna Bunagan sa larangan ng showbiz.

Reaksyon ito ni Bitoy matapos pumirma ng kontrata ang dalaga sa ilalim ng GMA Artist Center.

Sinabi ni Bitoy na lagi naman siyang nagtitiwala sa talento ng kaniyang anak.

Ipinunto niya na alam naman ng kanilang buong pamilya na darating ang araw na papasukin rin ni Brianna ang mundo ng showbiz.

Ikinatuwa naman ni Bitoy na magsasama silang dalawa sa iisang istasyon, na malapit sa kanilang puso.

Base sa Isntagram account ni Brianna, ay may kakayahan ito sa pagkanta, paggamit ng instrumento at pag-arte sa teatro.