France, nakakapag-ulat muli ng mahigit 10,000 bagong coronavirus cases kada araw

Nakapag-ulat ang France ng mahigit 10,000 bagong kaso ng COVID-19 muli, kasabay ng mabilis na paglaganap ng mas nakahahawang Delta variant.

Base sa ulat ng health ministry ay nakapagtala ito ng 10,908 na bagong kaso noong Biyernes, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa mahigit 5.84 million.

Matatandaan na noong Mayo pa huling nakapagtala ang France ng mahigit 10,000 kaso.

Dahil diyan ay lalo pang tumaas ang seven-day moving average ng France para sa bagong mga kaso sa 5,795, matapos nitong malampasan ang key treshold na 5,000.

Samantala, naiulat rin ng ministry ang 22 bagong nasawi mula sa COVID-19 na dahilan para lumobo ang kabuoang bilang nito sa 111,451.