Mahigit 100 pasaway na motorista hinuli ng HPG sa magkakahiwalay na operasyon

CAMARINES NORTE- Aabot sa 103 pasaway na mga motorista ang hinuli ng PNP Highway Patrol Group sa magkakahiwalay na operasyon noong Lunes.

Ayon sa Provincial Highway Patrol Team karamihan sa mga naisyuhan ng violation ticket ay mga motorsiklo na mayroong 92 habang 11 pang motor vehicle.

Limang motorsiklo rin ang na impound at ang mga ito ay inisyuhan ng Temporary Operators Permit (TOP) at Traffic Citations tickets.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

May mga naisyuhan din ng ticket dahil sa hindi pagsusuot ng seat belt  at ang mga nagmomotor na walang helmet.

Ginawa ang Oplan Lambat sasakyan  sa kahabahaan ng Maharlika Highway particular sa Barangay Lag On at Pamorangon sa bayan ng Daet, Tugos sa Paracale at Poblacion Sta Elena.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Katuwang ng HPG ang Local Police at Force multiplier.

Maliban sa implementasyon ng batas trapiko at anti carnapping act mahigpit ding ipinatutupad ang minimum health standards lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

(Photos Courtesy: HPG)