Mahaharap ang Pilipinas sa malalakas na kalaban para sa 2023 FIBA World Cup.
Ito ay matapos mapasama ang Gilas Pilipinas sa Group A kung saan ay kasama nito sa pool ang New Zealand, South Korea, at India sa ginanaw na draw ceremony kagabi sa Patrick Baumann House of Basketball sa Mies, Switzerland.
Tatangkain ng 80 bansa na makapasok sa World Cup, ngunit 32 kuponan lamang ang mabibigyan ng ticket para rito.
Kabilang ang Pilipinas sa tatlong bansa na magho-host sa 2023 World Cup, partikular na sa final phase nito na gaganapin sa Philippine Arena.

Gagawin naman ang iba pang group phases sa Okinawa, Japan at Jakarta, Indonesia.
Tatakbo ang World Cup continental qualifiers sa loob ng six windows mula November 2021 hanggang February 2023, kung saan ay sigurado na ang slots ng Pilipinas at Japan sa kompetisyon.
Kailangan naman ng Indonesia na magtapos sa top 8 ng 2021 FIBA Asia Cup para magkaroon ng pwesto sa World Cup.