Nanindigan si Senator Christopher Bong Go na walang sabwatan ang nangyari na naglalayon na nakawan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ni Go bilang reaksyon sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang procurement ng Department of Budget and Management sa overpriced COVID-19 equipment.
Sa isang privilege speech ay kinwestyon ni Go ang mga hearings na pinangungunahan ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil tila ay pinapagalitan nito ang mga resource person kung hindi pasok ang mga sagot nito sa naratibo na inaasahan.

Iginiit ni Go na hindi patas si Gordon dahil siya na ang sumasagot sa mga sarili nitong tanong, at siya na rin anya ang humusga sa mga resource persons.
Pinuna rin ni Go ang tila pagtrato sa kaniya bilang resouce person.
Binigyang diin ni Go na pareho lang silang senador na halal ng taong bayan, at baka mas marami pa siyang boto kaysa sa kanya.
Welcome naman kay Go ang lahat ng imbestigasyon upang mawakasan na ang lahat ng mga spekulasyon.