Mahigit 100 pasahero stranded sa mga pantalan ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Tinatayang nasa 127 na pasahero ang stranded sa tatlong port sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa ulat na ipinalabas ng PCG-Bicol, nasa 109 na indibidwal ang stranded sa  Matnog Port habang aabot sa 50 ang rolling cargoes at dalawang vessel naman ang nag-take shelter o sumilong muna.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa Bulan Port naman ay may na-stranded na 14 na indibidwal lulan ng dalawang vessels habang isang vessel at dalawang motorized banca ang sumilong muna.

Sa Pilar Port ay may naitalang apat na indibidwal ang stranded at isang rolling cargo habang sa Castilla Port ay may isang vessel na nag-take shelter muna.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bago magtanghali kaninang umaga Setyembre 6, 2021 ay nagsuspendi na ang PCG ng biyahe sa lahat ng uri ng sea vessels at tonnage kaugnay sa pagpalabas ng PAGASA ng Tropical Cyclone Bulletin No. 2 Tropical Depression Jolina kung saan nakabandera sa lalawigan ng Sorsogon ang signal No. 1.