PH, nananatiling high-risk sa COVID-19- DOH

Itunuturing pa ring high-risk area para sa COVID-19 ang Pilipinas, habang  inaasahan rin ang pagtaas pa ng kaso ng nasabing virus sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas ng 32% ang kaso sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo kumpara sa 72% noong nakaraang monitoring.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Nakapagtala rin umano ang bansa ng 15.79 na kaso kada 100,000 ng populasyon kada araw noong August 23 hanggang September 5, mas mataas kumpara sa 11.96 na kaso kada araw noong August 9 hanggang 22.

Dagdag pa ni Vergeire, bagamat mabagal lang ang pagdami ng kaso sa mga rehiyon, masasabi pa rin na nasa high risk ang occupancy rate ng mga ICU beds, ward beds, at mechanical ventilators sa buong bansa. 

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Maaari rin umanong tumaas ang mga kaso sa susunod na mga linggo dahil sa mabilis na paglaganap ng Delta variant.

Samantala, ang mga lugar naman na tinuturing na high risk areas sa bansa ay ang National Capital Region, Calabarzon, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Northern Mindanao, Ilocos Region, Davao Region, Caraga, Western Visayas, at Soccsksargen.