Arestado ang anim (6) na mga suspek sa ilegal na droga sa Villa Princesa Brgy. Sta. Monica Puerto Princesa ganap na 5:45 ng hapon, ika-4 ng Setyembre, 2021.
Ito ay matapos na magsagawa ng drug buybust operation ang PDEA, City Drug Enforcement Unit ng City PNP at Anti- Crime Task Force sa isang gusali na pinaniniwalaang drug den.
Ang mga naarestong suspek ayon sa pulisya ay sina ;John Mark Zabanal Y Rodriguez (maintainer) 37 anyos, lalaki, Maria Patricia Maguifico 30 anyos babae, Alyas Jona na 16 anyos, babae, Angelica Canja Y Sasi 26 anyos babae , Elijah Romasanta Y Salazar
25 anyos, lalaki at Camille Andrade y Bandiola 18 anyos, lalaki.
Nakuha umano sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nakasilid sa pitong heat sealed transparent plastic sachet na tumitimbang ng humigit kumulang 10 gramo na nagkakahalaga ng 80, 000 pesos.
Nakuha rin ng operatiba ng PDEA at Anti- Crime Task Force ang boddle money sa mga suspek na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5, 6,7,11, 12 and 15 Art. II ng Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.