Mahigit 100 pares ikinasal sa Kasalang Bayan sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nabiyayaan ng prebilehiyo ang may 137 pares na magpakasal ng libre noong Araw ng mga Puso na isinagawa sa lungsod ng Sorsogon at sa bayan ng Castilla.

Sa lungsod ng Sorsogon ay nagpalitan ng ‘I Do’s’ ang 12 pares sa Our Lady of Fatima Parish. Dinaluhan ito ng Alkalde ng lungsod na siya ring nagsilbing Ninang sa mga ikinasal.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa bayan naman ng Castilla, binasbasan at pinag-isang dibdib ng kanilang Punong Bayan ang aabot sa 125 na pares.

Isinagawa ang okasyon sa LGU Grounds ng nasabing bayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang kasalang bayan ay nakasanayan nang gawin tuwing Valentine’s Day hindi lang para bigyang pormalidad ang matagal nang nagsasamang magkapareha, kundi para na rin mabigyan sila ng pantay na karapatan sa ilalim ng batas.