Ibinaba na ang alert level system ng Central Luzon mula bukas hanggang February 28.
Sa latest report na inilibas ng IATF, ibinalik na sa Alert Level 2 ang lalawigan ng Bulacan, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales gayundin ang Angeles City at Olongapo City.
Dahil dito inaasahang mas luluwag na ang ipinaiiral na restriction, kung saan papayagan na ang 50 percent capacity sa mga indoors establishments habang 70 percent capacity naman sa mga outdoor establishment at activities.
Gayunpaman, nasa pamunuan pa rin umano ng mga establishimento kung kakailanganin ang pagpapakita ng vaccination card.
