Mahigit 100 mga bata benepisyaryo ng operation tuli ng Brigada Group at Castillejos RHU

Umabot sa mahigit isandaang mga kabataan ang naging benepisyaryo ng isinagawang operation tuli sa Castillejos, Zambales.

Ito ay sa pamamagitan ng makabayang pagtutulungan ng BNFM, Brigada 1Tahanan, Castillejos Rural Health Unit at ng Lokal na Pamahalaan.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Maaga pa lamang ay dumating na ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang at guardians nakalipas na araw ng Byernes sa Agriculture Function Hall kung saan isinagawa ang aktibidad.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Maging ang mga Barangay Health Workers, POPCOM, Nutrition Office at iba pa ay nakiisa at tumulong rin sa lugar.

Naghatid rin ng arrozcaldo noong umaga ang Zambales 1st Congressional Office para sa mga benipisyaryo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO