Mga youth users ng vape sa Naga City, dumadami

NAGA CITY – Ikinaalarma ng Bicol Medical Center, ang pagdami ng mga kabataang gumagamit ng vape.

Katunayan sa huling datus ng Department of Health, sa loob ng apat na taon tumaas sa 110% ang mga kabataang Pilipino ang gumagamit ng electronic cigarette o vape, mataas noong 2019 na 24.6% lamang na kadalasan mga edad 13-15 taong gulang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaya panawagan sa mga Lokal na Pamahalaan, tulungan silang palakasin ang kamalayan hinggil sa isyu. Sa naging panayam naman kay Maria Luisa Patana, Registered Nurse ng Naga City Health Office, kinumpirmang dumadami ang mga kabataan na na-eengage at nahuhumaling na gumamit ng vape na kadalasang dahilan ay upang makiisa sa uso o nagiging libangan sa lungsod kaya lamang sa ngayon hanggang health education lang sila sa mga barangay, mga magulang, upang mabawasan ang mga naninigarilyo lalo na’t hindi gaano natutukan ang ordinansa hinggil sa smoking.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kaya naging rekomendasyon nito na magkaroon ng pagbabago o maipatupad ang pagbabawal/ no smoking upang makontrol ang paninigarilyo lalo na’t negosyo pa rin ito o hanap buhay ng iba, lalo na’t nakakasama sa kalusugan na nagiging cancer sa utak at baga.