Mahigit 100 katao sa bayan ng Mercedes nakilahok sa Unity walk at Peace covenant signing ng mga kandidato sa BSKE

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 100 katao sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang nakilahok sa ginawang Unity Walk at Peace covenant signing kahapon.

Sa report ng Municipal Information Office ilang metro lang ang lakad na nagsimula sa Parish and Shrine of St. Anthony of Padua patungo sa Jimmy P. Lo Sports Complex kung saan isinagawa ang maikling programa na pinangunahan ni  Election Officer III Emily Basilonia.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nagkaroon ng Peace & covenant signing ng bawat kandidato ganun din ang paglagda ng mga kinauukulang ahensya sa  “Pledge of Commitment”.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ay ang Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard at Philippine Army gayundin ang religious sector.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nagkaroon din ng open forum ang lahat ng mga kandidato na sinagot naman ng Comelec.

Sa huli ay nagpalipad ng mga kalapati bilang tanda ng inaasam ng bawat isa na isang mapayapang halalan.