NAGA CITY- 51-taon na ang nakararaan nang ideklara ang Batas Militar o Martial Law.
Pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr ang Proclamation No. 1081 noong Sept. 21, 1972 , pero base sa kaysayan mayroong mga sources na na nagsasabing linagdaan ang naturang proklamasyon noong Setyembre 17 o di kaya Setyembre 22 pero ang dokumento naman ay may petsang Setyembre 21.
Ano man ang petsa nito nais ng Bayan Camarines Sur na hindi na maulit ang animo’y madilim na nakaraan. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jen Nagrampa , sama-sama muli sa Naga City ang mga progresibong grupo mula sa Camarines Sur.
Ilan sa tatalakayin sa kilos protesta ang mataas na presyo ng bigas, petrolyo at mga bilihin. Gayundin ang kahilingan na hindi mangyari ang Martial Law sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
Kinikondena rin ang nangyari sa dalawang estudyanteng aktibista na dinukot umano ng mga armadong lalaki sa Bataan taliwas sa paninindigan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sumuko sa kanila ang dalawa.