Gastos ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections hanggang limang piso lang kada registered voter, Comelec may paalala rin hinggil sa mga campaign materials

CAMARINES NORTE – Halos isang buwan bago ang campaign period nagpaalala ang Commission on Elections hinggil sa limitasyon sa pagastos ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Election Officer III Rommel Pajarin ng Comelec Speaker’s Bureau, hanggang P5 lang kada registered voter ang pwedeng gastusin ng mga kandidato mula sa Punong Barangay hanggang SK.

Sinabi ito ng opisyal sa isinagawang Press Conference kahapon, kasama ang Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bukod dito nagpaalala rin ang Comelec sa tamang sukat ng mga tarpaulin at campaign materials.

Sabi ni Pajarin ang pinapayagan lang na laki ng tarpaulin ay hanggang 2 feet by 3 feet habang ang mga polyetos naman ay isang long size bond paper.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hindi rin umano maaaring kung saan- saan maglagay ng campaign materials dahil mayroong mga designated common poster area sa bawat barangay.

Pwede ring magpaskil ng campaign materials sa mga pribadong lugar basta’t may pahintulot ang may ari.

Dagdag pa ng Comelec na bawal na magkakasama ang isang team sa isang tarpaulin.