Mahigit 100 kapulisan sa Daraga, inilatag sa iba’t ibang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela

LEGAZPI CITY – Mahigit 100 kapulisan ang inilatag ng Daraga Municipal Police Station sa iba’t ibang mga paaralan sa bayan sa pagbabalik-eskwela kahapon.

Ayon kay PLt. Col. Edmundo Cerillo Jr, hepe ng himpilan, sa unang araw su kinakailangan nilang mag-deploy ng maraming mga tauhan upang magbigay ng asistensya sa mga mag-aaral, guro, at magulang.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Maliban dito, naglatag din ng 23 police assistance desk malapit sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa nabanggit na bayan.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng Information Drive tulad ng pamimigay ng flyers na naglalaman ng Ligtas Balik Eskwela Crime Prevention and Safety Tips ang mga otoridad, at kasama rin sa laman ng flyers ang mga numero na maaaring tawagan pag kailangan ng tulong.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ng PNP sa 5 Focused Agenda na layong mapanatili ang seguridad at kaayusan sa mga paaralan, at magtiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at magulang.