Special Investigation Task Group (SITG), binuo bilang bahagi ng malalim imbestigasyon sa kaso ng pamamaril-patay sa isang punong barangay sa Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Bilang bahagi ng malalim na imbestigasyon sa kaso ng pamamaril-patay sa isang punong barangay sa San Jose, Libon, Albay noong nakaraang Lunes, Agosto 28, agad nang bumuo ang mga otoridad ng Special Investigation Task Group (SITG).

Ito ang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Regional Director Police Brigadier General Westrimundo Obinque kaugnay ng insidente, kung saan pangungunahan ang imbestigasyon ng Albay Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Fernando Cunanan, Jr., kasama ang mga miyembro ng SITG.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nagbigay na ng direktiba si Obinque sa lahat ng mga himpilan ng pulisya sa lalawigan maging sa mga ahensya upang mas paigtingin ang mga checkpoints sa paghuli sa mga suspek.

Samantala, pakiusap ni Cunanan sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa kanila para sa mga impormasyong makakatulong sa paglutas ng nasabing kaso.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kung babalikan, papauwi ang biktima matapos itong mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 nang ito’y itumba ng hindi nakilalang mga suspek.

Sa salaysay ng ilang mga nakasaksi, bigla umanong pinagbabaril ang biktima ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki gamit ang hindi rin matukoy na kalibre ng baril na nagresulta sa kanyang kamatayan.