Mahigit 100 barko ng China, na-monitor ng Navy sa WPS

Mahigit 100 barko ng China na nakapalibot sa walong isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa datos ng Phil. Navy, may kabuuang 104 chinese vessels na namonitor mula July 23 hanggang July 29, 2024.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Mas mataas ito kumpara sa 80 Chinese vessels na namataan sa WPS noong July 16 hanggang July 22, 2024.

Samantala, ang 104 na Chinese ships ay kinabibilangan ng 11 China Coast Guard (CCG) 6 na People’s Liberation Army Navy (PLAN) at 87 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs)

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bumalik sa mahigit 100 ang mga Chinese vessels sa WPS dahil nuong mga nakalipas na linggo ay masama ang panahon at mataas ang alon.