Inilibing na lang ng may-ari ang kanyang anim na alagang kambing matapos umano itong atakihin ng isang hindi matukoy na hayop.
Nangyari ang insedente noong Lunes, Hulyo 29 sa Barangay Peñahan, Bindoy, Negros Oriental.
Kaagad nag-viral ang post ng anak ng may-ari at iilan sa mga ito ang nagsabing isa umanong sigbin ang umatake sa mga kambing.
Ayon kay Jaycee Cadevida, may-ari ng mga kambing hindi sya naniniwalang sigbin ang umatake.
Iniwan nya umano ang mga alaga sa bakanteng lote ngunit nang balikan patay na ang mga ito at may malalaking sugat sa katawan.
Sa katunayan, naabutan ng anak nito ang anyong aso na may mahahabang pangil na umatake sa mga buntis nyang kambing.