Driver ng dump truck, patay matapos maahulog sa bangin

Patay ang driver matapos mahulog sa bangin ang minamaneho nitong dump truck.

Nangyari ang insidente alas-11:00 ng umaga nitong Miyerkules sa Dam site, Brgy. Masulog, Canlaon City, Negros Oriental.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Kinilala ang nasawi na si Richard Mission, 49-anyos, residente ng nasabing barangay.

May kargang buhangin at graba ang truck na papunta sana sa Proper Masulog.

Read More:  Student caught with unlicensed .45 pistol inside Northern Samar school

Pagdating niya sa hindi pantay na bahagi ng lugar, tumagilid ang truck hanggang sa mawalan ng kontrol ang driver at nahulog sa bangin.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung may ibang sanhi pa ng insidente.