Mahigit 10 pang baboy sa Sta Magdalena, kinunan ng blood samples

SORSOGON CITY – Muling nagsagawa kahapon ng blood sample collection ang mga veterinarian sa mahigit 10 baboy sa Brgy San Roque, Sta Magdalena, Sorsogon.

Ang blood samples ay ipapadala sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) sa Camalig, Albay at aabutin pa ng mga limang araw bago lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Ang hakbang ay upang mabatid kung ang mga baboy ay infected o positibo sa African Swine Fever virus.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Basehan din ito sa pagpapatupad ng zoning plan o zone classification kontra ASF para maiwasan ang pagkalat pa ng nabanggit na nakamamatay na sakit sa mga alagang baboy sa ibat-ibang barangay at bayan.

Halimbawa ng zone classification ay Red Zone o infected zone sa mga lugar na may naitalang kumpirmadong kaso ng ASF, Yellow Zone naman o surveillance zone sa mga lugar na itinuturing na high risk areas dahil sa maraming populasyon ng mga alagang baboy o lugar kung saan dito nagbebentahan ng mga baboy at pork products.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Buffer Zone naman o Pink Zone kung saan ang isang not infected na lugar ay malapit o katabing bayan lamang ng isang Infected Zone, habang ang Free Zone naman o Dark Green Zone ay mga lugar na walang kaso ng ASF.

PHOTO: Google