FETODA pormal nang umapela sa Sangguniang Bayan ng Daet na i- reconsider ang naunang desisyon hinggil sa bagong taripa sa tricycle

CAMARINES NORTE- Pormal nang umapela ang Federation of Tricycle and Operators Drivers Association (FETODA) sa Sangguniang Bayan ng Daet na i- reconsider ang nauna nitong desisyon hinggil sa bagong taripa sa tricycle.

Sa sulat ng grupo sa SB na pirmado ni Elmer  Ara, FETODA Secretary at Alex Sulpa ang Pangulo ng grupo na naka- address kay Vice Mayor Godfrey Parale, iginiit nito ang hiling na  gawing P15.00 ang minimum na pamasahe sa tricycle para sa unang dalawang kilometro at karagdagang P2.00 sa kada susunod na kilometro.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga spare parts.

Nangako rin ang grupo na susunod sa ipapatupad na ordinansa para sa kaayusan at tamang serbisyo sa mga commuters.

Hiniling din ng grupo na gawing alternate ang pamamasada sa kanilang hanay sa kadahilanang sobra na umano ang tricycle sa Daet na nagiging sanhi ng sobrang traffic.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ngayong hapon ay magsasagawa ng special session ang SB para aprobahan ang bagong pamasahe na P13.00 sa unang dalawang kilometro at P2.00 para sa bawat susunod na kilometro.

Habang ang pamasahe naman ng senior citizen, PWD at estudyante ay P11.00 at P7.00 naman para sa mga bata na may edad 3 hanggang 5 taon kung hindi sila kakalungin ng kanilang magulang.