Mahigit ₱3.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang babae sa Sariaya, Quezon

Himas-rehas ang isang babae matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Sariaya Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Pili ng nasabing bayan nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 25.

Ayon sa police report, bandang alas-2:00 ng madakip ang suspek na kinilalang si alyas “Sharon”, 47-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas City, matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanya.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa gitna nito, nasamsam din kay alyas Sharon ang apat (4) na pirasong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit 175 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱3,500,00.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakumpiska rin ang isang (1) sling bag, isang (1) unit ng android phone at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.