Papel ng kababaihan binigyan diin sa San Jose Camarines Sur kaugnay ng Women’s Month Celebtration

CAMARINES SUR –  Sa pamamagitan ng misa at Purple Parade, opisyal na nagsimula ang pakikiisa ng bayan ng San Jose sa Partido Area sa selebrasyon ng National Women’s Month. Nagkaroon ng maikling programa kung saan ibinahagi ng mga prominenteng panauhing pandangal ang mga mahahalagang papel at karapatan ng kababaehan na dapat nilang matamo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa ibinahaging mensahe ni Assistant City Prosecutor, Sheena Ester Arteta-Gacer, sinabi niyang bagaman ipararanas ng reyalidad sa mga kababaehan ang iba’t-ibang mukha ng paghihirap tulad ng diskriminasyon, karahasan, at iba pa, ang mahalaga ay ang hindi pagsuko sa kabila ng mga hamon na ito.

Pagsapit ng tanghali nagkaroon rin ng boodle fight sa San Jose Sports Complex, na sinundan ng Zumba Dance Competition  at pagsapit ng gabi isinagawa ang Juana Watch Film Showing tampok ang mga pelikulang sumasalamin sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaehan sa komunidad. Ngayong darating byernes, isasagawa rin ang TESDA Livelihood program at iba pang programa para sa kababaehan ngayong buwan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu