Pagdami ng mga kababaihan na driver sa Naga City, may magandang indikasyon -LTO

NAGA CITY – Bagamat nasa 10% pa lamang ng kababaihan sa Naga City ang may mga lisensya at rehistradong sasakyan, napansin ng Land Transportation Office (LTO) ang bahagyang pagdami sa bilang ng mga babaeng driver sa lungsod.

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Grace Rojas, ang LTO Naga District Head kung saan sinabi niya pa na may magandang indikasyon ito. Bukod sa nakakatuwang isipin na nagkakaroon na ng interes ang mga kababaihan na matutong magmaneho, hindi na nila kailangang maghanap pa ng personal driver lalo na sa mga ina na nais maalalayan ang kanilang anak mula sa paghatid hanggang sa pagsundo sa paaralan.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental
Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Base sa kanilang talaan, karamihan sa mga sasakyan na minamaneho ng mga kababaehan sa Naga City ay motorsiklo at e-bikes dahil mas madali itong gamitin at mapag-aralan.