Mahabang lockdown sa ilang rehiyon ‘di epektib – Duque

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi naging epektibo ang ang mahabang lockdown at Enhanced Community Quarantine na ipinatupad sa ilang rehiyon.

Ayon kay Duque makikipagpulong siya sa mga regional directors ng DOH region 7 at Northern Mindanao dahil sa kabila umano ng mahabang ECQ ay wala pa rin improvement.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Aminado ang kalihim na nababahala siya sa naturang pangyayari.

Nabatid na kabilang sa mga inilagay sa ECQ July 16 to August 7 ay ang Iloilo City, Iloilo province, Cagayan de Oro City at Gingoog sa Misamis Oriental.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sinegundahan naman ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH ang pahayag ni Duque at sinabing 42% ng COVID-19 cases bansa ay dulot ng mas nakakahawang Delta variant.