95% ng tourism workers sa NCR bakunado na kontra COVID-19 – DOT

Inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na aabot na sa 95% ng mga nasa tourism industry workers sa Metro Manila ang naturukan na nang COVID-19 vaccines.

Sa isang pahayag sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang inoculation sa mga tourism stakeholders ay malaking hakbang para sa pagpapanumbalik ng sigla sa industriya ng turismo.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Umabot na sa 27,708 mula sa 29,066 tourism frontliners ang nakatanggap ng bakuna, as of August 20.

Sa naturang bilang 19,350 dito ay kasama sa A1 priority group habang ang 8,358 workers naman ay napabilang sa A4 priority group.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Pinasalamatan naman ni Romulo-Puyat ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa ipinakitang suporta sa mga tourism frontliners.

Dagdag pa ng kalihim hindi nila maabot ang halos 100% inoculation kung walang tulong mula sa national at local government.