Magsasaka ng niyog, patay sa kapwa magsasaka; suspek, arestado

‘Dead on the spot’ ang isang coco farmer matapos na barilin at pagtatagain ng kapwa niya coco farmer sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Kinilala ng Matnog Police ang biktima na Timoteo Galeria Esquillo may asawa habang ang suspek ay nakilalang si Zaldy Gabelo Garalde, 24-nyos, binata parehong naninirahan sa Brgy Cabagahan ng nasabing bayan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, alitan umano sa lupa ang motibo sa nasabing pamamaslang ng suspek sa biktima.

Nagkaroon muna umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nagresulta sa pamamaril ng suspek sa biktima at hindi pa ito nakontento dahil bumunot pa ito ng itak saka pinagtataga ang biktima hanggan sa malagutan ito ng hininga dahil sa multiple hacked wounds.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nadakip naman agad ang suspek ng rumespondeng pulis at narekober dito ang isang kalibre .38 na revolver at itak na ginamit.

Ang suspek at mga murder weapons ay nasa kustudiya na ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.