Magsasaka na nagpa-pot session, huli sa akto

Huli sa akto ang isang magsasaka mula sa Ramon, Isabela habang ito ay nagpa-pot session noong ika-22 ng Hunyo.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, mayroong confidential informant ang nagsumbong sa kapulisan sa iligal na ginagawa ni alyas “Long” na tinagurian ding Street Level Individual.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matapos makakuha ng impormasyon ay kaagad naman rumesponde ang mga kapulisan at nagtungo sa isang maliit na bahay na matatagpuan sa bukid at dito nakumpirma ang insidente.

Nakuha mula sa suspek ang isang pirasong pakete ng hinihinalang shabu isang pirasong aluminum foil at isang improvised foil tooter na naglalamaman ng bakas ng hinihinalang shabu; dalawang disposable lighter na may improvised needle; Isang pirasong genuine Php50.00; at mga sigarilyo.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil dito, dinala na kaagad ang suspek sa himpilan ng Ramon PNP para sa tamang disposisyon.