Hinimok ni Maritime law expert na si Dr. Jay Batongbacal ang pagpapatalsik at pagpapauwi kina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at mga tauhan ni Chinese Embbasy matapos nitong hindi matugunan ang kanilang tungkulin na itaguyod ang diplomatic affairs sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Batongbacal, hindi nakatulong ang Chinese Embassy sa pagtugon sa mga patuloy na isyu sa West Philippine Sea, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ngunit sa kabila nito, iginiit ng eskperto na hindi dahilan ang pagkawala ng daliri ng isang Pilipinong marino na magdeklara ng giyera sa pagitan ng China at Pilipinas.
Aniya, sineseryo niya ang usaping ito ngunit kailangan pa rin ayusin ang isyu sa pamamagitan ng diplomasya at mapayapang pamamaraan.