COA, nilinaw ang kanilang report matapos ang natanggap na batikos ng DOH

Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na di nila inaakusahang may katiwaliang naganap sa nakita nilang deficiencies sa Department of Health (DOH) fund.

Ito ay matapos maging viral ang balitang bigo ang kagawaran na i-manage ang nasa P67.323 bilyong pisong COVID-19 response fund na humantong pa sa paghimok ng ilang grupo kay Health Secretary Francisco Duque III na magbitiw sa kaniyang pwesto.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Ayon sa COA, sa audit report na kanilang inihain, hindi binanggit na kinorap ag pondo at nilinaw na ang ilan sa mga deficiencies na kanilang nakita ay pwede pa umanong maisaayos basta’t maipasa lamang ng DOH ang mga kaukulang dokumento na hindi nito naipasa noong nakaraang audit.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Mababatid na una nang tiniyak ni Duque na ang kanilang departamento ay seryoso sa bagay na ito at patuloy na nagtatrabaho upang mapagbuti pa ang kanilang proseso.

Kaugnay nito, magpapasa na ng kasagutan ang DOH sa susunod na linggo base na rin sa naunang sinabi ni Secretary Duque.